Saturday, January 29, 2011

Another Year Begins!

Everything has always had a beginning and all things start from nothing.

Another year for me begins and I want to start all over again. What had happened to me last year will be part of my past and memories. I want to begin this year better. I always start my year in praying for me to have His guidance in the whole year. In my past I have lots of things to realize and one of those is that not all you want and pray for is for you. Sometimes no matter how you want and pray for it, as long as it’s not for you it will never be yours. And I’ve learned from it.


Now that He gave me another year, I would like to start all over again like what I’ve said. I want to make things right and what will make me happy and get ready for the new challenges God will be given to me. Life is too short so as long as there is an opportunity to make things right, do it now, because not all people have given a chance to have this.

Begin Better!
012911

Sunday, January 2, 2011

Pagsalubong sa Taong 2011

Tapos na naman ang isang taon parang kailan lang nang sumalubong ako sa bagong taon at ngayon panibagong taon na ulit ang aking sasalubungin, Taong 2011. Hay… ang oras at panahon nga naman kay bilis dumaan.



Taon-taon bago pa man sumapit ang hatinggabi ng huling araw ng Disyembre, Bisperas ng Bagong Taon damang dama na ang pagsapit ng panibagong taon. Ang aming pamilya ay nagkakaroon ng pagtitipon sa araw na ito. Nakasanayan na namin ang magsama-sama tuwing sasalubong sa bagong taon. At ngayon ay muli kaming nagkatipon-tipon upang salubungin ang bagong taon (Taong 2011). Ito ang pagkakataong muli kaming nagkakasama-sama at sadyang nagbibigay oras sa araw na ito. Nagtipon-tipon kami sa isang tahanan, salo-salong kumakain ng Media Noche, nagkwentuhan, nag-ingay, nagpaputok, nagpalitan ng regalo, nagtalo sa palaro, sama-samang nagpasalamat sa Panginoon at masayang sumalubong sa bagong taong Kanyang patuloy na ipinagkakaloob naging maulan man ang araw na ito biyaya pa rin iyon ng Panginoon.Hindi man kami kumpleto sa pagtitipong ito nais ko pa ring pasalamatan ang aking pamilya na bahagi na nang buhay ko, na palagi kong kasama sa araw na ito at sa inyong lahat na naging bahagi ng aking nakalipas na taon at patuloy na sasama sa akin sa panibagong taon, bagong buhay,bagong simula at sa bagong pagsubok, dumating man ang araw ito na wala ang presensya ko asahan nyo na hindi kayo mawawala sa puso ko.





At ngayon na binigyan Nya ako nang panibagong taon nakangiti at masaya ko itong sinalubong salamat sa patuloy na pagkakaroon ng ganitong pagkakataon sapagkat panibagong simula na naman ang haharapin ko. Alam ko na marami pa Siyang pagsubok at biyayang ipagkakaloob kaya’t sa aming Panginoon maraming maraming salamat po.


MALIGAYA AT MANIGONG BAGONG TAON!!!
123110