Thursday, December 31, 2009

WELCOME 2010





Before we hit the midnight of December 31, everyone feels that the year 2009 is going to end and going to welcome the 2010. Most of the people celebrate this moment with their family, friends and special someone. Like me, this time I'm with my sister and relatives. We celebrate our New Year at Datinguinoo's residence. This moment we spent our time together even though I and my sister are far from our parents and youngest sister. We do gathering, lighting the fireworks, picture taking, eat together, talking and sharing our own thoughts, and having fun with everyone.





We’re all happy even though some of our relatives are not around.





I’m so thankful for all the blessing and things happened to me in this year, so before it ends I would also like to thanks everyone who has been part of my life in the year 2009.






All the things that happened to me in the year 2009 will remain as my memories that I know some of this thing will goes on. And this time that I’m going to face another year, New Year, 2010 I know many things will happen to me and challenges that I will encounter, so be part of my 2010.

Huling Buwan ng Taon: DISYEMBRE

Sa loob ng isang taon ay may labindalawang buwan at sa huling buwan ng taon ay marami tayong napapagtanto, ang mga biyayang natamo natin sa loob ng isang taon. Disyembre ang huling buwan sa loob ng isang taon, sinyales na patapos na naman ang isang taon ng ating buhay at paghahanda naman sa pagsalubong sa panibagong taon na kakaharapin.

Disyembe ang huling buwan ng taon, malamig ang simoy ng hangin, Pasko, regalo at salo-salo, kalimitang salitang mababanggit ng mga tao. Pasko o Pagsilang ni Jesus ang kilalang kilala sa buwang ito, pero bakit mas nakikilala natin si santa dahil sa mga regalong dala niya. Doon ko mas lalong napagtanto ang tunay na kahulugan ng Pasko. Bata pa lamang ako ng matutunan kong dumalo at magsakripisyo sa pakikiisa sa misa de galo. Matiyaga akong gumigising ng madaling araw para makumpleto ito. Sa paglipas ng panahon hindi ko na ito nakukumpleto, kaya’t mas minabuti ko na lang, na dumalo sa simbang gabi. Ilang taon din akong nakakumpleto ng simbang gabi, dahil dito may mga nagtatanong sa akin “natutupad ba ang hinihiling mo sa Kanya” yan ang kalimitan nilang tanong sa akin. Hindi ko man agad agad natatamo ang mga hinihiling ko sa tuwing nakukumpleto ko ito, alam ko na may tamang panahon at oras sa mga iyon. Dumadalo ako sa simbang gabi upang mag-alay sa Kanya hindi ang madaliin Siya sa mga hiling ko. Hindi ako nagmamadaling matamo lahat ng hiling at gusto ko sapagkat ang patuloy Niyang pagbibigay sa akin ng pagkakataong masilayan ang bagong umaga na kasama ang mga mahal ko sa buhay ay sapat na. Sa pagsalubong ng Pasko lagi akong dumadalo sa misa. Gabi pa lamang ng ikadalawampu’t apat ng Disyembre ay sumisimba na ako, ito ang paraan ko ng pagsalubong ng Pasko, ito na rin siguro ang nakasanayan ko. At pagkatapos ng misa ay nagkakaroon kami ng salo-salo. At ang isa pang hindi nawawala ay ang pakikipagpalitan ko ng regalo sa isang kaibigan, na halos labindalawang taon na naming ginagawa. Dahil dito taon taon akong may nabubuksang regalo. At sa mismong araw ng Pasko ay pumupunta ako sa bahay ng ninong at ninang ko para magmano at mamasko.

Sa paglipas ng panahon dahan-dahan nang nagbabago ang takbo ng Pasko ko, sapagkat hindi na tulad ng dati na nakakasama ko ang buong pamilya ko sa pagsalubong ng Pasko, hindi man kami kumpleto ay idinadaos pa rin namin ang Pasko. Hindi na rin ako nakakapamasko sa ibang ninong at ninang ko, malaki na daw kasi ako at isa pa ako na ang pinamamaskuhan ng mga inanaak ko. Bilis ng panahon ngayon, parang kailan lang nang ako’y tulad nilang bata pa. Dahil dito napagtanto ko na ang panahon at pagkakataon nga naman, paglumipas, nababago ang takbo ng buhay ng tao.

Sa araw-araw ng buhay ko hindi ko nakakalimutang magpasalamat sa Kanya, sa mga biyayang natatamo ko at sa mga pagsubok na pinagdadaanan ko. Hindi ko ganoon kadaling nilalasap ang mga masasayang pangyayari ng buhay ko bagkus ay mas inihahanda ko ang sarili ko sa mga pagsubok na nasa likod nito.Dahil dito mas nagiging malakas at matatag ako. At sa pagsapit ng buwan ng Disyembre nais kong sulitin ang bawat sigundo ng buhay ko, sapagkat ayokong manghinayang sa mga pagkakataon na ibinibigay sa akin. Sa mga bagay at pagkakataong nalalampasan ko, hindi ko iniisip ang panghihinayang sapagkat alam kong may dahilan kung bakit hindi ko iyon nagawa. Dahil sa nabubuhay pa ako ay wala dapat akong panghinayangan.

Maraming nangyari sa buhay ko sa taong ito, pagsubok na nilampasan, sayang nginitian, lungkot na iniyakan, sakit na pinagdaanan, takot na hinarap, pag-ibig na pinahalagahan, pagkakataong hindi pinakawaln at sa biyayang tinatanggap. Isang taon na naman ang nalampasan ko.

Friday, December 25, 2009

Hindi Ko Alam

May mga bagay na sadyang hindi madaling unawain at ipaunawa.

Sa buhay ko may mga pangyayari at pagkakataon na nararanasan ko ito.Subalit pilit kong inuunawa ang bagay na ganito. Maraming tanong ang kailangan ng kasagutan subalit hindi sa lahat ng pagkakataon ay kaagad agad na masasagot ang mga tanong na itinatanong, kinakailangan din namang pag-isipang mabuti bago mo sagutin ang mga iyon.

Isang umaga ang muli kong nasilayan nang ako'y magising sa aking pagkakatulog.At sa aking paggising agad kong inalala ang aking panaginip, may maganda at masama man sa aking panaginip, panaginip pa din iyon. May mga napasaisip akong tanong bakit, sino, ano, at kung anu ano pang tanong hindi ko alam kung bakit, siguro ay dala ng aking panaginip na mahirap paniwalaan kung bakit ko iyon napanaginipan. Simpleng bagay para sa karamihan ang magkwento pa ng tungkol sa panaginip, walang katotohanan,binabalewala at wala lang para sa iba. Subalit para sa akin iba, sapagkat alam kong may dahilan kung bakit ko napanaginip ang mga iyon. Dahilan na hindi agad-agad nalalaman kung bakit. Sa puntong ito tanging iyon lang ang aking maibabahagi isang panaginip, at kung ano man ang nakapaloob dito ay sa tamang panahon ko na lamang ikwekwento. Hindi ko pa kasi alam kung paano ko ikwekwento sa inyo. Basta ang alam ko nanaginip ako ng isang makahulugang panaginip.

Sa pagpapatuloy ko sa aking araw simula ng magising ako sa araw na iyon ay dahan-dahan kong nakalimutan ang bagay na napanaginipan ko, iniisang tabi ko na lang muna sapagkat may mga bagay pa rin naman akong dapat gawin at tapusin.Mahilig akong magkwento sa mga nangyayari sa buhay ko, paggising ko pa lang ay nagkwekwento na ako at kahit panaginip nagagawa kong ibahagi sa kanila. Subalit sa pagkakataong ito ay hindi ko alam kung ikwekwento ko pa iyon, siguro ay mas makakabuti pang hindi na lamang o pwede din namang oo pero, hindi, hindi ko alam kung paano, sa takdang panahon na lamang siguro. Hindi ko naman iyon nasarili e sapagkat naikwento ko na iyon sa Kanya. Buwan ng Nobyembre nang maranasan kong managinip ng ganoon. May mga bagay na hindi ko alam kung bakit nangyayari at nararanasan ko mahirap ipaliwanag subalit may mga dahilang kaakibat iyon. At kung ano man iyon ay hindi ko alam sa ngayon.