Lahat tayo ay marunong ngumiti, sumaya at magpasaya. May mga tao na nagsasabi na ang isang tao na laging nakangiti ay masaya, walang problema, masayang kasama, minsan nga sinasabi pa nila na payaso ang ganitong tao, minsan baliw, inlove, at kung minsan mapagpanggap. Oo tama, subalit upang mas lubusan nating malaman ang tunay nilang saloobin kailangan nating tingnan ang kanilang mga mata. Sapamamagitan nito, doon natin matatanto ang mga misteryong nasa likod nito.
Sa likod ng kanyang mga ngiti maraming natatagong misteryo. Siya ang tipo ng tao na pala ngiti, masayahin, payaso nga daw sabi ng iba. Payaso para sa karamihan subalit mismong sa sarili nya ay hindi niya mapasaya. Ang karamihan at ang iba ang iniisip niya, ang sila’y mapasaya, na ang hindi niya alam sa isang banda nakakalimutan na niyang pasayahin ang mismong sarili niya.
Kung pagkukumparahin ang dalawang tao, isang nakangiti at masaya at isang lumuluha at malungkot. Sino sa kanila ang mas malakas ang personalidad? Sa karamihan at sa pangkaraniwang tao ang taong nakangiti ang kanilang pipiliin, sapagkat para sa kanila siya ang nagpapasaya sa mga nalulungkot, sa mga may problema at sa gustong makalimutan ang problema. Sapagkat para sa kanila napakahina at lampa nang taong lumuluha at nalulungkot. Subalit ang hindi nila alam baligtad ang kanilang pagkaunawa. Bakit? Simple lang, ang taong lumuluha at nalulungkot ang malakas para sa pananaw ng iba. Ito marahil ay dahil sa simpleng dahilan, na kaya nilang ipamalas ang kanilang nararamdaman at sapamamagitan nito naibabahagi nila ang kanilang buhay. Samantala ang taong nakangiti ay mas maraming misteryong tinatago sa sarili. Takot silang ipakita sa iba ang tototong pakiramdam at hindi buo ang tiwala sa mismong sarili nila.
Isang tao na ganito ang pagkatao ang ibabahagi ko. Siya ay masayahin, pala ngiti, na kahit kung minsan hindi na nakakatawa, napapahiya na siya ay hindi nawawala ang ngiti sa kanyang mukha. Subalit sa kanyang pakikihalubilo at pakikipagkaibigan ay natuto siyang magpahayag ng kaniyang nararamdaman, ng kanyang mga saloobin subalit alam ng iba na hindi buo ang kanyang pagpapahayag ng kanyang tunay na nais ipahayag. Kahit ganoon siya,marami siyang mga kaibigan, na pilit nagtuturo at gumagabay sa kaniya kapag nasa labas siya ng kanilang tahanan. Nang pakinggan siya, nagbahagi siya ng dahilan kung bakit siya ganoon. Napagtanto na rin niya na hindi pa rin buo ang pagpapahayag niya sa iba.
Ang pagkatao niya ay medyo nagbago na nang siya ay lumaki na. Kung babalikan natin ang kaniyang nakaraan ganito siya- Siya ang tipo ng bata na suplada, masayahin, iyakin, tampuhin, mapagmahal, matigas ang ulo, bata na tulad ng nakikita natin sa pangkaraniwang panahon. Habang siya ay lumalaki na, normal naman ang buhay na kinagisnan niya. Naglalaro, nadadapa, nagsasaya,nasasaktan, tumatawa, at lumuluha. Makalipas ang pagiging bata siya ay tumapak na ng paaralan. Siya ay nag-aral sa pampublikong at lumipat sa pribadong paaralan. Siya ay nakasalimuha ng iba’t ibang personalidad sa lipunan. Doon din niya naranasan ang paghanga sa ibang tao. Marami na siyang naranasan sa pagiging estudyante ng paaralan.
Sa tahanan ganoon rin naman siya. Sa pagiging bata at eskwela hindi naiwasan ang siya ay mapaaway, awayin at mang-away at sa kabila nito natuto rin naman siyang magpatawad. Sa kanilang tahanan masayahin naman siyang bata. Siya ay nagkakamali rin na nagiging dahilan upang siya ay mapagalitan subalit sa kabila nito, dito siya natututo ng mga bagay-bagay.
Paglipas ng panahon nakatapos siya ng elementary, at tumapak sa sekundarya sa pampublikong paaralan. Iba’t ibang estudyante ang kanyang nakasalimuha dito. Ang kanyang personalidad ay kapareho pa rin ng dati, subalit sa ibang banda ay natuto na siyang mag-obserba ng mga tao. Ito ay sapagkat panibagong yugto na naman ng kanyang buhay ang haharapin niya. Bagong tao na pakikisamahan niya. Tahimik, pala ngiti, kung minsan suplada, madamot at pala kaibigan ang kanyang nagging personalidad. Mahusay naman siya sa kaniyang paaralan. Lumalaban sa ilang akademikong at di pang-akademikong paligsaan, nanalo naman siya at kung minsan ay hindi. Sa kaniyang pagiging estudyante, paaralan, simbahan, tahanan lang an kanyang pinupuntahan. Hindi sya ganoon ka pala barkada subalit marami syang kaibigan. At sa paglipas nang taon nagkaroon siya ng barkada. Naging Masaya naman siya sa kaniyang napiling barkada at hanggang ngayon magkakaibigan pa rin sila kahit hindi na sila mag-kakamag-aral. Sa kanyang pagiging estudyante ng sekundarya hindi naiwasan ang magkaroon ng kani-kaniyang grupo sa klase. Ang hindi pagkakaunawan at pagkakaroon ng oras upang mapag-usapan at ayusin ang mga bagay- bagay. Sa pagkakataon na yon’ nagkakaroon ng labasan ng sama ng loob, iyakan kung minsan upang maipahayag ang kanilang tunay na nararamdaman. Siya ang tipo ng tao na walang pakialam kung anong nangyayari sa mga kasama nya. Dumating sa punto na halos lahat ng kasama nya eh nagpapahayag ng kani-kanilang saloobin at may iba pa na naluluha, subalit siya ay nag-oobserba lamang na para talaga siyang walang pakialam. Ganoon ang kaniyang personalidad, kaya hindi naiwasan ang may magkomento sa kaniyang personalidad na “bato ka ba o manhid ka lang talaga”. Hinahayaan lang niya ang mga bagy-bagay na ganito, nginingitian lang nya at kung minsan nagkokomento rin naman. Taon ay lumipas at natapos din niya ang sekundarya. Sa pagtatapos niya hindi niya nabago ang kanyang personalidad, may ilan mang nabago subalit ang pag-ngiti ang hindi nawala sa kanya. Kaya naman paglipas ng panahon yon’ ang tumatak sa mga taong nakasalmimuha niya ang personalidad niyang pagiging manhid o hindi marunong magbahagi ng kanyang nararamdaman.
At makalipas ang apat na taon nang pag-aaral, panibagong yugto na naman ng kanyang buhay ang kaniyang hinarap. Kolehiyo ang panibagong yugto na kaniyang kakaharapin. Sa pagtapak ng kolehiyo ay kasabay din ng pagtapak niya sa Siyudad sapagkat doon siya magkokolehiyo. Kinailangan niyang manatili sa siyudad kaya’t siya’y doon nanirahan. Sa kanyang bagong paaralan, muli siyang nag-obserba bago makisama sa kanyang bagong mga kamag-aaral. Sa pagkilala nya sa mga bagong tao sa bagong yugto ng buhay nya ay ganoon pa din ang ipinakita niya. May sitwasyon siyang naranasan na may lumapit siyang kamag- aaral nagbahagi nga sama ng loob at umiyak sa kanya. Tiningnan at pinayuhan lang niya ito. Sa kabilang banda natuwa siya na iniyakan at binahaginan siya na parang pinagkatiwalaan sa isang banda. Subalit mismong sarili niya hindi niya alam kung paano nga ba mag bahagi ng lungkot sa iba. Sa paglipas pa ng buwan ilang ganitong pangyayari ang naranasan nya hanggang sa may nagbahagi siyang kamag-aaral na mahirap pakisamahan ang ganitong personalidad ng tao. Tinuruan siya na ipahayag kung anong saloobin nya at huwag itago sa ngiti. Walang masama sa umiyak at lumuha, walang kinakasuhan at lalong walang pinapatay sa pagpapahayag ng saloobin. Normal lang sa buhay ang may ngiti at lumbay. Huwag itago o akinin kung anong maari mong ipahayag sa iba. Yon’ ang itunuro ng ilang taong nakasimuha niya. Hindi naging ganon kadali ang magbago, subalit lumilipas ang araw dahan-dahan niya itong pinag-aaralan. Akalain nyo para sa kaniya pinag-aaralan din yon’. At sa paglipas ng isang taon nagging Masaya naman siya doon at tinanggap niya ang mga komento sa kanya maging positibo man o negatibo ang nagging komento naging masaya naman siya doon. Hindi nagtagal ay kinailangan na niyang lumipat ng paaralan. Sa paglipat niya hindi naiwasan ang maalala niya ang mga dati niyang kasama. Naging matatag siya sa paglipat niya sa isang unibersidad. Sa unibersidad na kaniyang nilipatan marami siyang naging kaibigan. Dahil sa pagbabago ng kanyang pagkatao marami siyang nakilala.
Hindi naman niya maiwasan na alisin ang dati niyang personalidad bagkus ay natuto na siya na magpahayag ng nais niya. Unti-unti niyang binabago at tulad nga ng nabanggit kanina pinag-aaralan o pinoproseso niya ang magpahayag ng kaniyang saloobin. Hindi man ganon kadali para sa kanya. Basta ang alam niya ay ang ngumiti para sa iba. Para sa kaniya kasi lakas ng iba ang kanyang ipinakikita kaya’t kahit mismong sarili niya ay kung minsan hindi na masaya. Pero hindi siya nawawalan ng pag-asa na darating ang tamang panahon at oras upang ang buong saloobin niya ay maipamahagi niya.
Sa taong ito maraming natatagong misteryo ilan pa lamang ito sa kaniyang ibinahagi. Siya ang taong mangiti lakas nga daw para sa iba subalit nais niyang iparating na huwag na siyang tularan. Sapagkat ang ganitong personalidad ay sumisimbolo sa kahinaan ng isang tao.
Kaya’t sa susunod, panibagong misteryo na naman ang kanyang ibabahagi sa atin.
Friday, April 17, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment