Masayang nagkwekwentuhan ang magkakaibigan sa isang magandang bukid sa bayan ng Quezon. Nagtatawanan, nagkakainan at nagkwekwentuhan. Sa kanilang pagkwekwentuhan naisip nila na ang bawat isa sa atin ay gustong maging masaya. May sarili tayong dahilan at paraan kung paano maging masaya. May mga bagay na nakapagpapasaya at kinasisiyahan natin. Eh “bakit bilog ang mundo?” nagtawanan ang magkakaibigan dahil sa tanong na ito. Bilog ang mundo kasi wala itong katapusan, paikot-ikot lang ito. Parang buhay ng tao ang pinagkaiba nga lang pagnamatay ang tao panibagong mundo ang kanilang titirahan. Paikot-ikot din lang ang buhay ng tao. Minsan nasa taas kung minsan nasa baba. Parang kasiyahan ng tao. Hindi maaaring lagi tayong masaya minsan kailangan din nating maluungkot. Tao tayo may puso at damdamin, marunong masaktan at umiyak. Sa pagkakataong ito nagtatanong tayo bakit kailangan pa nating malungkot kung pwede namang maging masaya habang buhay di ba.Subalit lahat nang nangyayari sa ating buhay ay may dahilan. Kung sa mga sayang ating nararanasan at sa lungkot na ating pinagdadaanan alam nating kaya natin itong lampasan. Sapagkat walang pagsubok na ibinibigay ang Maykapal na hindi natin kayang lampasan Kahit ako hindi sa lahat ng pagkakataon ay masaya kasi may mga pagkakataon din namang nalulungkot ako. Sa mga oras na masaya at malungkot ako alam ko na may mga dahilan ito. Kung minsan iniisip ko na pagsubok lang ito. At syempre pagsubok na alam Nya na kaya kong lampasan. Gaano man ito kadali at kahirap alam ko na kaya Niya ako binibigyan ng mga pagsubok dahil alam kong “mahal Nya ako”.
Sa buhay “ayoko ng madilim, ayoko ng masikip, ayoko ng mainit” na mundo Sino ba ang may gusto ng ganito? Halos lahat sa atin sa panahong ito eh aayawan talaga ang ganitong mundo. Pero isipin natin lahat ba tayong may ayaw sa ganitong mundo eh nasisiyahan? Hindi rin. Paano nga naman kasi tayo magiging masaya kung ganito ang mundo na ating gagalawan. Subalit kung titingnan natin may mga tao pa rin na walang magawa kundi ang tanggapin na ito ang mundo nila, na dito sila nagiging masaya. Kung ang mga taong may kaya sa buhay na may maganda, maaliwalas, maginhawa, at preskong mundo eh inaakala na dahilan upang maging masaya at isipan na ang may madilim, masikip at mainit na mundo eh hindi masaya, nagkakamali sila. Sapagkat ang hindi nila alam eh mas masaya pa ang madilim,masikip at mainit na mundo. Dahil sa ganitong klaseng mundo mas natututo ang mga tao. Ang patak ng mga pawis ng mga tao dito ang sumisimbolo ng kainitan subalit kahit ganito may ngiti at saya pa rin sa kanilang mundo. Ulan na kanilang hiling kahit sa sandaling panahon upang maramdaman naman nila ang kaunting lamig sa mundo. Kaya “sana bukas umulan ng malakas”. Sana, sana subalit ang pag-ulan ay hindi natin pwedeng diktahan kung kelan sya kailangang pumatak. Sa mga taong may kaya sa buhay kapag- sila’y naulanan tanging sinasabi “masama ang pakiramdam ko” ulan ang nagiging sanhi ng kanilang sakit. Hindi tulad sa ibang tao na ulan ang hiling upang kaunting lamig ay maranasan. Kung sa bagay ang mga may kaya sa buhay ay napaka sensitibo na konting basa lang ng ulan sakit agad ang kalalabasan. Sa pag-ulan sa mundong madilim,masikip at mainit kung minsan eh hinahayaan pa nilang mabasa ng ulan ang kanilang katawan, inumin ang ulan, ipanghugas ng pinggan,at kung anu-anu pa. Ang mga bata dito ay masayang naliligo sa buhos ng ulan. Kapag nakita sila ng mga taong may kaya sa buhay pagtatawanan pa sila. Kung minsan lalaitin pa. Subalit ang hindi nila alam ulan ay importante sa buhay nila. Sa huli na mauunawaan ng mga taong may kaya kung bakit ganon ang ginagawa nila kapag umuulan eh sana maisip nila at sabihin “nakakahiya ang ginawa ko kanina” ang mga panlalait na sinabi ko at ang pagtawanan sila. Paano kung isang araw ako ang magkaroon ng ganong mundo?
Sa tagal ng pagkwentuhan ng magkakaibigan ,hindi nila namalayan na nakatulog pala si Diane. Inakala nilang gumuguhit ako ng larawan habang nakikinig sa aming kwentuhan subalit ang hindi nila alam sinusulat ko ang aming magandang kwentuhan. Hindi ko rin inasahan na maisusulat ko ang usapan Sa puntong ito nagising na si Diane at tinanong kung anong naging kwentuhan. Eto yong kwentong sinulat ko basahin mo na lang. Ano? Basahin mo na lang yan. Bakit ko naman ito babasahin. Nagtatanong ka kung anong napagkwentuhan di ba, oh yan basahin mo. Sinulat mo? At ang tanging nasabi ko “masayang magsulat”. Habang binabasa ni Diane ang aking sinulat na aming napagkwentuhan kanina eh nagkayayaan muna kaming magmeryenda. Matapos basahin ni Diane ang kwento, humanga sya sa akin kasi bakit ko nga ba yon sinulat pa. Subalit sabi ko nga “masayang magsulat”. Sa pagsulat kasi pwede mong isulat kung anong nais mo, ipahayag ang nasa sa loob mo at ipadama ang nararamdaman mo. Sa puntong ito mapakikita mo ang saloobin mo at maipapadama mo ang nararamdaman mo sa paraang pasulat. Dahil dito sinabi ng mga kaibigan nya na sana sa susunod na kwentuhan maisulat mong muli ang ating magandang usapan. At sa mga oras na ito napansin nila na dumidilim na pala. Kaya’t nagkayayaan na silang mag-uwian.
Thursday, April 16, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
yeah, tama ka. masaya talaga ang magsulat. Iyan din ang naka title sa sinulat ko ang "masaya ang magsulat"
ReplyDelete