Thursday, April 1, 2010
Overnight ng Newtonians ‘06
San na nga ba ang iba?
Sila ang aking mga kaklase noong ako’y nasa sekundarya pa lamang. Apat na taon kaming nagkasama-sama, sa lungkot at ligaya sila ang kasama. Dahil sa bilis ng panahon hindi namin namalayan na lumipas na pala ay walong taon. Ang iba sa amin ay malimit pa ring magkasama sapagkat sila ay pareho ng kursong kinuha, mayroon namang sa ibang bayan nag-aral, nagtatrabaho na at ang iba ay gumawa na ng sariling mundo. Nagkahiwa-hiwalay man kami pilit pa ring humahanap ng paraan upang kami’y muling magkita-kita. Ilang anyaya na ang aking natanggihan at hindi napagbigyan, hindi kasi ako pala sama, pero pilit pa ring gumawa ng paraan na ang lahat ay makasama.
Ngayon, na ang karamihan sa amin ay magsisipagtapos na ng kolehiyo ay pinaunlakan ko na ang kanilang anyaya na kami’y muling magkita-kita at magkasama-sama. Sa isang gabi nang aming pagsasama-sama sa Anthurium Resort sa Brgy. May-it Lucban, Quezon ay masaya naming pinalipas ang gabi at sinulit ang pagkakataong iyon. Kainan, inuman, kantahan, sayawan, liguan, tulugan at walang sawang kwentuhan, laitan at halakhakan ang aming pinagkaabalahan.
Inasahan ko na naman na hindi kami makukumpleto sa pagkakataong iyon sapagkat ang iba ay may kanya-kanyang dahilan. Subalit nagpapasalamat ako na kahit hindi kami kumpleto ay nagkaroon kami ng pagkakataong tulad nito.040110
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment