Thursday, April 22, 2010
KIPING ng Lucban
Kilala ang KIPING sa bayan ng Lucban, lalo na tuwing Pahiyas Festival tuwing Mayo 15. Dito makikita ng mga tao ang mga makukulay at naggagandahang KIPING na nakapayas sa harapan ng tahanang daraanan ng prusisyon at parada.
KIPING ay hugis dahon na nilalagyan ng iba’t ibang kulay. Ito ay gawa sa malagkit (rice paste) at ginagamit bilang dekorasyon sa okasyong ito. Ito ang pangunahing dekorasyon tuwing Pahiyas Festival sa Lucban, Quezon. Ito ang proseso ng paggawa ng KIPING....
pangungulekta ng dahon na magsisilbing hulmahan ng gagawing KIPING tulad ng dahon ng kabal, kape, talisay, kakaw, antipolo at dahon ng saging.Magugulang na dahon ang magandang gamitin sa paggawa nito upang magamit ng tatlo o higit pang beses.
Malagkit (rice paste) na bigas ang ginagamit, ito ay ibinababad ng dalawang oras. Matapos ang dalawang oras ay ipinapagiling ito.
Nilalagyan ng kulay ang nagiling na malagkit upang mas maging kaayaaya.
Matapos makulayan ay inilalagay na ito sa dahon at ikukulob ng ilang minuto.
Hihintayin nang matuyo ang mga ito at saka maaring tanggalin sa dahon.
Matapos tanggalin ito na ang tinatawag na KIPING pinapatungan ito ng bagay na may katamtamang bigat upang hindi bumaluktot.
Sa tuwing dadaan sa amin ang Pahiyas Festival ay gumagawa kami ng KIPING. Upang ipangdekorasyon sa labas ng bahay. Ang KIPING ay mayroong iba’t ibang hugis at sukat. Maliban sa KIPING, maari ring ipangdekorasyon ang mga, prutas, gulay, palay, paper mache, at mga sumbrelo.
Ang ipinapayas ng mga tao sa harap ng mga tahanan ay ang mga naani nilang mga pananim. At sa pagdaan ng prusisyon ay binabasbasan ng pari ang mga tahananang daraanan nito. Nagkakaroon din ng paligsahan sa pagandahan ng dekorasyon ng bahay at dahil dito ay may mga huradong pipili ng may pinakamagandang pahiyas ng bahay.
Matapos ang Pahiyas Festival, ang KIPING ay maari ng gawing kutkutin at gawing kakanin. Maari itong iihaw o iprito.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Hi! Ako po si Kamille Mercado, isang fine arts student galing sa Ateneo. Nais kong humingi ng paalam mula sa iyo kung maaari ko bang gamitin ang isa sa mga larawan mo ng kiping para sa thesis ko?
ReplyDelete