Friday, April 2, 2010
Biyernes Santo
Mahal na Senior! Ito ang maririnig mo sa araw na ito sa bayan ng Lucban.Umaga pa lamang ay mukhang abalang-abala na ang mga tao sa kani-kanilang tahanan sapagkat ang iba nilang kamag-anak ay nag-uuwian upang dito magmahal na araw, ang iba naman ay nagpapatatak ng mukha ni Hesus sa kani-kanilang damit dahil sila ay makikiisa sa paghila ng Mahal na Senior. May mga nakagawian na kasing gawain dito sa Lucban tuwing Biyernes Santo,ang pagprusisyon ng mga imahe ng Santo at Santa at ang paghila sa Mahal na Senior. Maraming tao ang umaantabay sa prusisyong ito, kahit na inaabot ito ng paglubog ng araw bago makabalik ng simbahan. Ang prusisyon ay inililibot sa bayan ng Lucban. Ang matagal dito ay ang Mahal na Senior, ito ay ang imahe ni Kristo na patay. Ito ang imahe na hinihila ng mga taong nakikiisa sa paghila. May mga nagsasabi na ang kanilang pakikiisa sa paghila sa Mahal na Senior ay ang kanilang pagpipinitensya. Wala pa man ang Mahal na Senior sa loob ng simbahan ay marami ng taong nasa sa loob at humahalik sa krus, mayroon namang nagdarasal at nag-iistasyon ng krus at ang iba ay nakabantay sa pagdating ng Mahal na Senior.
At kapag pinaingay na ang mga kawayan ay senyales na ito na nasa loob na ng simbahan ang Mahal na Senior. Sa kadahilanang gabi na nang maipasok ito ay iilang oras na lamang ang hihintayin upang ilipat ang Mahal na Senior sa kanyang pananahanan. Kaya minabuti na lamang ng ilan na hintayin ang oras ng pagprusisyon sa Mahal na Senior patungo sa Kanyang pananahanan. At kapag ito ay naipasok na sa tahanan na kanyang pananahanan ay saka pa lamang mag-uuwian ang mga taong nakiisa sa prusisyong ito.
040210
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment